Tutukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang seguridad sa mga coastal areas ng lungsod.
Pinulong ng LGU ang Coast Guard Pangasinan at Dagupan City substation upang talakayin ang iba’t-ibang mga paghahanda sa pamamagitan ng mga pagsasanay.
Saklaw ng pulong ang pagtalakay ang disaster preparedness laban s posibleng banta ng ‘The Big One’ sa ilalim ng inilunsad na ‘Handa Ka Ba’ Summit.
Pinag-usapan din ang planong paglalagay ng CCTV sa Tondaligan Beach para sa karagdagang proteksyon ng mga beachgoers, maging ang agarang pagpapatupad ng No Swimming Policy sa tuwing masama ang panahon.
Samantala, napag-usapan rin ang pagtutok sa siste ng transportasyong pandagat o mga motorboat, partikular ang pagsusuot ng life vests ng mga pasahero at driver, maging ang pagpapaalala sa No Overloading Policy sa mga sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨