Pinaigting pa ang pagbabantay sa seguridad ng mga baybayin at karagdagang pwersa na reresponde tuwing may sakuna sa Labrador sa paglalagak ng pasilidad ng Philippine Coast Guard sa bayan.
Sa nilagdaang Deed of Usufruct, binibigyang Karapatan ng lokal na pamahalaan ang Philippine Coast Guard na gamitin ang bahagi ng lupain na pagmamay-ari ng gobyerno upang makapagtayo ng pasilidad para sa magiging operasyon ng PCG sa bayan.
Bilang isa sa coastal town sa Pangasinan ang Labrador, inaasahan na magiging magkatuwang ang dalawang tanggapan upang mapanatili ang kaligtasan sa mga coastal communities, mapangalagaan ang kalikasan at agad marespondehan ang anumang emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments