Marjorie Barreto, tanggap daw ang young actor na si Joshua Garcia para sa anak na si Julia

Showbiz – Tanggap na raw ni Marjorie Barretto na posibleng mauwi sa isang opisyal na relasyon ang panliligaw ni Joshua Garcia sa anak niyang si Julia.

Ayon kay Marjorie, Matalino at may tiwala siya sa anak pagdating sa desisyon nito kung saan mabait naman daw at magalang si Joshua.

Say pa ni Marjorie, masaya siyang nakikitang enjoy at inspired sa trabaho si Julia at umaasa din siyang mami-meet na din niya ang pamilya ng young actor.


Matatandaan na umamin si Joshua na pormal siyang nanliligaw kay Julia simula nitong mga unang buwan ng 2017.

Facebook Comments