Mark Caguioa ng Barangay Ginebra, magreretiro na

Kinumpirma ni Barangay Ginebra Shooting Guard Mark Caguioa ang kaniyang pagreretiro.

Ayon kay Caguioa, ang kanilang laban kontra TNT Tropang Giga na ang kanyang huling championship game.

Aniya, malaki na ang ibinagal niya sa paglalaro at napag-iwanan na ng mga manlalarong mas bata sa kanya.


Nabatid na umabot sa 19 taon ang basketball career ni Caguioa sa Philippine Basketball Association (PBA) at tinanghal na Most Valuable Player noong taong 2014.

Facebook Comments