Marker para sa mga frontliners, itinayo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang modern heroes

104

Pinangunahan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pag-unveil ng isang marker na para sa mga frontliner ng lungsod na simbolo bilang makabagong bayani.

Kasabay ito sa paggunita ngayong araw ng death anniversary ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.


Ayon kay Mayor Sotto, ang nasabing marker ay pagbibigay-pugay at pagkilala sa mga sakripisyo ng mga frontliner ng lungsod bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa paglaban kontra COVID-19.

Sa kabila ng mainit na panahon, nagsagawa ng maigsing programa at maikling dula na inalay sa mga frontliner.

Pero bago nito nagkaroon naman ng wreath laying sa bantayog ng pambansang bayani na nakatayo sa Pasig City Rizal Park.

Naging maayos naman ang daloy ng trapiko sa bahagi ng kalsada ng Barangay Kapasigan sa kabila ng padaraos ng nasabing programa.



Facebook Comments