Markus Paterson, nagsalita na sa relasyon nila ni Janella Salvador

54

“I couldn’t live without her”

Ito ang sweet message ng Filipino-British actor at model na si Markus Paterson sa aktres na si Janella Salvador.

Sa latest vlog sa YouTube ng singer-actor Kyle Echarri, inamin ni Markus ang isang taon at walong buwan nilang relasyon ni Janella.

Say ng Markus, ngayon lang siya nakaramdam ng pagmamahal na ibinibigay ni Janella sa kanya.

Dagdag pa ng aktor, ang kanyang pagmamahal sa aktres ay higit pa sa pagmamahal sa sarili niyang pamilya.

Sinabi rin ni Markus, maituturing niya si Janella na “love of my life.”

Matatandaang, usap-usapan ang pagbubuntis ni Janella na nakatakda raw magsilang ngayong Oktubre.




Facebook Comments