Martial Law, kailangan pa rin sa ilang lugar sa Mindanao

35

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mahalaga pa ring may umiiral na Martial Law sa ilang lugar sa Mindanao.

Bago lumusot sa Commission on Appointments kahapon, sinabi ni AFP Chief of Staff, Lt/Gen. Noel Clement, may magandang naiudlot ang Batas Militar sa sitwasyon sa Rehiyon.


Pero aminado si Clement na problema pa rin sa Sulu, Basilan, at Tawi-Tawi ang Abu Sayaff Group.

Matatandaang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi na niya irerekomenda ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao.

Facebook Comments

From Advertisers