Martial Law, kailangan para masawata ang korapsyon – Duterte

164

Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na kayang linisin ang pamahalaan mula sa korapsyon sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Martial Law.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang buwagin ang kasalukuyang pamahalaan at palitan ang mga opisyal para masawata ang korapsyon.


Muling iginiit ng pangulo na mahirap puksain ang korapsyon sa gobyerno maliban na lamang kung magpapatupad ng extreme measure para rito.

“I will reach you somehow but corruption is endemic in government. You cannot stop corruption. Nobody can stop corruption unless you overturn government completely,” sabi ng pangulo.

“If I were the next president, if you think you need to change everybody in the system, then you declare martial law and fire everybody and allow the new generation to come in to work for government,” dagdag pa ng pangulo.

Sa kabila ng mga hamon sa anti-corruption campaign, sinabi ni Pangulong Duterte na nasa 200 opisyal ang nasibak mula sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.



Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na gagamitin niya sa nalalabing panahon ng kanyang termino na alisin ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno.

Nakasaad sa 1987 Constitution, hind ibinabanggit ang korapsyon bilang batayan para magpatupad ang martial law, pero tanging rebelyon o pananakop lamang.


Facebook Comments