Mas maagang pagbibigay ng year-end bonus sa mga kawani ng pamahalaan, muling hiniling

143

Inihirit muli ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa pamahalaan partikular sa mga ahensya ng gobyerno na ibigay ng mas maaga ang year-end bonus at cash incentives sa mga kawani.

Salig sa Republic Act 11466, maliban sa bonus na katumbas ng isang buwang sahod, entitled din ang kawani ng pamahalaan sa P5,000 na cash gift na ibinibigay tuwing Nobyembre.

Paliwanag ng kongresista, kung maibibigay ng mas maaga ang mga nabanggit na benepisyo ay mas makakapagplano ng maaga ang mga pamilya ng kanilang holiday activities.


Sa ganitong paraan din ay maiiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mall lalo at mayroon pa ring banta ng COVID-19 pandemic.

Sa panig ng Mababang Kapulungan ay maagang iniutos ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pamamahagi ng naturang insentibo.

Facebook Comments