Mas maayos na serbisyo ng mga tren ng MRT-3 sa Nobyembre, tiniyak ng Department of Transportation sa publiko

42

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Transportation sa publiko ang mas maayos na serbisyo ng mga tren ng MRT-3 sa Nobyembre.

Ayon kay DOTr Usec. Cesar Chavez – habang hinihintay nila ang paliwanag ng maintenance provider ng MRT kaugnay sa sunod-sunod na aberya nito, ay uunahing ayusin ng ahensya ang power signaling system ng mga tren.

Aniya, madali namang putulin ang kontrata ng gobyerno sa Busan Universal Rail Incorporated (BUSI) pero sa ngayon ay tututukan muna nila ang pagpapabuti sa serbisyo ng MRT.

Pagsapit ng Nobyembre, asahan na rin aniya ang mas marami pang babiyaheng tren.

DZXL558

Facebook Comments