Mas mahigpit na pagpapatupad ng ‘Bawal Bastos Law’, hiniling ni Senator Hontiveros

108

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na mas paigitingin pa ang mahigpit na pagpapatupad ng Safe Spaces Act o “Bawal Bastos Law.”


Diin ni Hontiveros, ito ay para matiyak na mahuhuli at mapaparusahan ang mga nanghaharaas at nambabastos online.

Apela ito ni Hontiveros sa harap ng dumaraming kaso ng pambabastos gamit ang internet habang ang marami ang nasa bahay bunga ng umiral na quarantine.

Katwiran ni Hontiveros, mahalaga na maging agresibo ang PNP at NBI katuwang ang lokal na pamahalan sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa uri ng pangha-harass at pambabastos online na mahigpit na pinagbabawal sa ilalim ng batas.

Kasabay nito ay natuwa naman si Hontiveros sa agarang pag-aksyon ng NBI sa bantang rape online sa anak ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie.

Facebook Comments