Mas mahigpit na seguridad sa Quiapo Maynila, ipapaptupad

12

Manila, Philippines – Magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa Quiapo, Maynila ang mga tauhan ng Manila Police District para sa nalalapit na Ramadan.

Ayon kay MPD Director Joel Coronel – posibleng dagdagan pa nila ang nauna nang ipinakalat na higit 400 mga pulis sa Quiapo kasunod na rin mga insidente ng pambobomba sa lugar kamakailan.

Pero depende pa ito sa matatanggap nilang intelligence report habang papalapit ang Ramadan.

Tuloy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng MPD sa mga Muslim leader para matiyak na maayos ang seguridad sa lungsod lalo na sa Islamic center.

Sa may 26, inaasahang magsisimula ang Ramadan.
DZXL558

Facebook Comments