Mas malaking intel at confidential funds kumpara sa housing programs, kinuwestyon ni Sen. Drilon

175

Sa budget hearing ng Senado ay pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang bilyon-bilyong pisong intelligence at confidential funds habang napakaliit naman ng budget para sa mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pabahay.

Ipinunto ni Drilon na ₱9.5 billion ang kabuuang halaga ng intelligence at confidential funds na ikinalat sa iba’t ibang ahensya pero ₱3.9 billion lang ang proposed 2021 budget para sa Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD.


Sa nabanggit na halaga ay kasama na ang pondo para sa National Housing Authority at mga proyektong pabahay para sa informal settlers.

Giit naman ni Senator Francis Tolentino, dagdagan ang budget ng DHSUD dahil mahalaga ang housing programs lalo na ngayong may pandemya.

Sa budget hearing ay humiling ang DHSUD ng dagdag na ₱12.5 billion na pondo para gamitin sa public housing assitance program, resettlement assistance at Marawi rehabilitation and recovery program.

Facebook Comments