Mas marami pang housing projects ikinakasa ng Pag-IBIG Fund

160

Tiniyak ng Pag-IBIG Fund na patuloy ang kanilang partnership sa iba pang mga organisasyon para sa mas marami pang abot-kayang housing projects para sa kanilang mga miyembro.

Ito ang tiniyak ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, kasabay ng paglulunsad ng Pag-IBIG Fund at ng Muntinlupa City ng housing project para sa mga empleyado ng Local Government Unit.

Ayon naman kay Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na siya ring Chairman ng 11-member Pag-IBIG Fund board of trustees, napapanahon ang nasabing proyekto.


Ito ay dahil ang Oktubre ay National Shelter Month.

Magugunitang sa gitna ng pandemya noong nakalipas na taon, nakagawa ang
Pag-IBIG Fund ng partnerships sa siyam na LGUs at mga institusyon na nagkakahalaga ng P1.08 billion.

Facebook Comments