Mas maraming deboto, pumasok ngayong unang Miyerkules ng Hunyo sa simbahan ng Baclaran

22

Mas dumami ang pumasok sa simbahan ng Baclaran ngayong unang Miyerkules ng Hunyo.

Base sa pagtaya ng security guard ng Baclaran Church, aabot sa 2,000 deboto ang pumila mula kaninang alas-5:00 para sa unang misa ng alas-5:30 ng umaga na pinangunahan ni Fr. Rufino Macasaet.


Ito’y sa kabila na 30% lang ang pinapayagang venue capacity ng simbahan.

Mahigpit namang binantayan ng mga pulis pagkukumpulan sa harap ng simbahan.

Pinaalis din ang mga nakahambalang sa kalsada tulad ng motorsiklo, bisikleta at mga vendor.

Facebook Comments