Mas maraming pulis, ide-deploy ngayong holiday season

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos sa kanyang mga tauhan na gumawa ng mga kinakailangang adjustment para sa pagsasagawa ng foot at mobile patrol lalo na sa gabi para matutukan ang mga aktibidad ngayong holiday season.

Ayon sa PNP chief, mahalagang maraming mga police patroller sa gabi para sa kaligtasan ng mga namamasyal lalo’t inaasahan na rin ang pagsisimula ng syam na araw na Misa de Gallo novena masses.

Sinabi pa ng PNP chief, hamon sa simbahan, PNP, Local Governments at health authorities ang pagpapatupad ng minimum public health standards nang hindi napipigilan ang mga tradisyon sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.


Kaya naman hindi raw dapat maalarma ang publiko kung mas maraming pulis ang makikita sa lansangan ito ay para magbantay at para magdalawang-isip ang mga kriminal na umatake.

Facebook Comments