MAS PRODUKTIBONG TOBACCO FARMING, ISINUSULONG SA MAPANDAN

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Mapandan ang mas produktibong tobacco farming sa pamamagitan ng pamamahagi ng pinansyal na tulong at hand tractors sa mga magsasaka.

Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang produksyon at mapabuti ang kabuhayan ng mga tobacco growers sa bayan upang mapadali ang pagtatanim nang may garantisadong mataas na ani.

Isa sa mga pangunahing bayan sa Pangasinan ang Mapandan, na kabilang sa mga lugar na pinagmulan ng mataas na ani ng tobacco sa buong Ilocos Region noong 2024.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy na tututukan ang pagpapabuti ng agrikultura bilang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments