MASAMANG PANAHON | Passport application at renewal, kanselado

45

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselado ang passport appointments sa ilang lugar sa bansa dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Ompong.

Sa advisory ng DFA suspendido ang consular services sa Santiago (Isabela), Ilocos Norte, La Union at Tuguegarao

– Santiago, Isabela – 13 at 14 September 2018
– Ilocos Norte – 13 hanggang 15 September 2018
– La Union – 14 at 15 September 2018
– Tuguegarao – 14 September 2018

Paalala ng DFA sa may mga confirmed passport appointments sa mga nabanggit na petsa mula sa mga nabanggit na lugar ay i-a-accommodate sa oras na magbukas muli at mag back to normal ang operasyon ng mga consular offices.

Iaanunsyo ito ng DFA sa pamamagitan ng kanilang website o pagtawag sa mga mayroong confirmed passport appointments.

Facebook Comments