Masasakit na karanasan, nakatulong kay Bea Alonzo para mas maging mabuting tao

47

Pabirong sinabi ng aktres na si Bea Alonzo na “suki” na siya ng masasakit na karanasan.

Sa Kumu live ni Edward Barber kung saan guest si Bea, napag-usapan nila ang tungkol sa masasaklap na pinagdaanan niya sa buhay at kung paano ito nakatulong para maging better person siya.


Katunayan, sa hurtful experiences nga raw siya humuhugot ng husay sa pag-arte na nagsisilbi naman niyang escape o refuge.

Nang matanong naman kung nakapagpatawad na, sagot ni Bea, hindi pa buo pero sinusubukan naman niya ang best niya.

Giit pa ng aktres, isang proseso ang pagpapatawad at hindi ito basta-basta na lang nangyayari.

Facebook Comments