MASAYA AT KUNTENTO | NCRPO Chief Albayalde, muling nag-ikot sa mga Police station sa Metro Manila

Manila, Philippines – Muling nag-ikot sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila si National Capital Region Police Chief Director Oscar Albayalde.

Sabi ni Albayalde, masaya at kontento naman siya sa mga pinuntahan niyang police station tulad ng sa Taguig, ParaƱaque, Maynila at Makati City.

Aniya, may tao at gising ang mga ito nang datnan nila.


Pero nadismaya aniya siya nang bisitahin niya ang Police Community Precinct (PCP) 4 ng San Juan City dahil wala siyang nadatnang pulis doon.

At nang makapasok na aniya sila ng kanyang mga kasamahan nakita nilang natutulog ang precinct commander.

Katwiran nito, bente kuwatro oras na kasi siyang naka-duty kaya natulog siya.

Ayon pa kay Albayalde, naiintindihan naman niya ang kalagayan ng precinct commander dahil siguradong pagod na ito.

Facebook Comments