Maslog, Eastern Samar, niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

46

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Maslog sa lalawigan ng Eastern Samar pasado alas-6:37 ngayong umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol sa layong 14 kilometers Timog ng Maslog.


May lalim itong 70 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity II sa Catabalogan City Samar at Intensity I sa Boronggan City, Eastern Samar.

Wala namang nasugatan o nasaktan dulot ng pagyanig.

Wala ring inaasahang aftershock.




Facebook Comments