Muling ihahatid ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang City Veterinary Office ang libreng bakuna kontra rabies sa mga alagang hayop.
Sa ilalim ng Saving Max na programa ng LGU Dagupan sa pagtutok sa kalusugan ng mga alagang aso at pusa, aarangkada na ang bakunahan sa mga barangay.
Ayon sa inilatag na iskedyul, sisimulan ang naturang programa sa Feb. 26 at 27 sa Mamalingling at Salisay. March 4, 5, 6, naman sa Brgy. I, II and III, at IV. March 11, 12, 13, sa Herrero-Perez, Poblacion Oeste at Tapuac.
Hinikayat ang mga Dagupenos na umantabay sa mga anunsyo para sa mga itinakdang schedule sa iba pang mga barangay.
Samantala, layon ng naturang programa na matugunan ang posibleng pagtaas ng kaso ng animal bite sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments