Mass COVID testing, isinasagawa sa mga vendors sa Bacoor, Cavite

559

Isinasailalim ngayon sa expanded mass testing ang daan-daang vendors at market helpers ng Bacoor City Public Market sa Cavite.


Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region 4-A.

Sa ngayon, natapos na ang COVID testing sa 200 vendors at helpers ng Bacoor Public Market kung saan 7 ang unang nag-positibo.

Bukas, araw ng Huwebes, 800 naman na vendors ng nabanggit na palengke ang naka-schedule sa swab test.

Pansamantala namang isinara ang nasabing public market sa loob ng isang linggo.

Sa ngayon, mayroon nang 945 confirmed COVID cases ang Bacoor kung saan 435 ang active cases, 465 naman ang naka-recover habang umabot na sa 45 ang mga nasawi.

Facebook Comments