Mass registration para sa National ID System, inurong ng Oktubre

Iniurong sa oktubre ang schedule ng mass registration para sa National identification (ID) System.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Deputy National Statistician Assistant Secretary Lourdines Dela Cruz, Hulyo ang orihinal na schedule ng mass registration pero naurong ito ng oktubre dahil sa COVID-19.

Ang mass registration ay isasagawa para ma-align ang layunin ng National ID System sa mga pangangailangan ng bansa sa gitna ng COVID-19.


Ipa-prayopridad aniya ang mga mahihirap para makagawa ng maayos na database na pwedeng magamit sa pamamahagi ng ayuda mula sa gobyerno.

Para naman patuloy na mapa-iral ang social distancing, maglulunsad ang psa ng online pre-registration system at mobile registration naman para sa mga pamilyang walang access sa internet.

Facebook Comments