MASS SHOOTING | Malacañang, nakiramay sa mga napatay sa Estados Unidos

33

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay at dasal ang Palasyo ng Malacañang sa mga pamilya ng mga nabiktima ng walang saysay na pamamaril sa Thousand Oaks California sa Estados Unidos.

Matatandaan na 12 ang naitalang napatay sa mass shooting sa isang Bar and Grill sa thousand Oaks California at ang sinasabing salarin ay isang 28 taong gulang na US Marine Corps Veteran.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs na mayroong Filipino-American na si Alaina Punzalan Housley ang nasawi sa mass shooting at nagpapaabot aniya sila ng pakikiramay sa Pamilya nito.

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng Philippine Consulate sa Los Angeles at patuloy ang pakikipagugnayan nito sa mga otoridad pati na sa Filipino Community doon upang malaman kung mayroon pang mga pinoy na nasaktan sa nasabing insidente.

Facebook Comments