Mass wedding sa Camp Crame, tuloy na sa February 20

Manila, Philippines – Isasagawa sa Pebrero a-20, ang mass wedding sa camp Crame.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Bernard Banac matapos hindi natuloy ngayong araw ang tradisyunal na mass wedding tuwing Valentine’s Day.

Sa taunang mass wedding sabay-sabay na nagpapakasal ang mga Police at non-uniformed personel sa kanilang mga kasintahan.


Ang PNP Chief at mga matataas na opisyal ng PNP Ang kalimitang tumatayong sponsor sa mga bagong-ikakasal na PNP personnel sa mass wedding.

Ang mass wedding sa darating na Miyerkules ay alas-9 ng umaga, na susundan ng isang reception sa Multipurpose Center ng Camp Crame.

Facebook Comments