MASSIVE SPRAYING KONTRA HARABAS SA BAYAMBANG, ISINAGAWA

Isinagawa ng lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang malakawang spraying sa ilang taniman ng sibuyas upang labanan ang pamemeste ng harabas o armyworm.

Ginamit sa naturang spraying activity ang karagdagang dalawampung organic insecticide mula sa Department of Agriculture-Regional Field Office I.

Napunan naman nito ang nasa labing anim na ektaryang taniman ng sibuyas sa bahagi ng Barangay San Gabriel 2nd. Isa ito sa hakbang ng Department of Agriculture-Regional Field Office I sa ilalim ng High-Value Crop Development Program upang matutulungan nito ang mga magsasaka sa naturang barangay na tuluyang mapuksa ang pamemeste ng harabas sa kanilang mga taniman ng sibuyas.

Inaasahang isasagawa ang naturang hakbang sa iba pang barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments