Mastermind sa Jolo Bombing na si ASG Sub-leader Mundi Sawdjaan, tinutugis pa rin ng militar sa Sulu

1287

Kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command Commander Major General Corleto Vinluan na nasa Patikul Sulu si ASG Sub-leader Mundi Sawadjaan, ang pinaghihinalaang mastermind ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Lunes.

Ayon kay Major Gen. Vinluan, ang mga miyembro ng ASG na naka-enkwentro nitong Sabado ng militar kung saan dalawang terrorista ang napatay ay mga reinforcement ni Mundi.

Sa ngayon, tuloy aniya ang pagtugis kay Mundi, na maaaring kasama ni ASG leader Radullan Sahiron.

Paglilinaw naman ni Vinluan na hindi nakatakas mula sa Jolo si Mundi dahil wala ito sa Jolo nang maganap ang pambobomba ng dalawang suicide bombers.

Style na aniya ni Mundi na malayo sa lugar nang pinangyarihan ng bombing.

Maliban kay Mundi, dalawa pang suspek na may kinalaman umano sa pagpapasabog ang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Kinilala ang mga ito na sina Andi Baso, isang Indonesian na 17 hanggang 25 taong gulang, at ang asawa nito na si Reski Fantasya alyas “Cici”, isa ring Indonesian na 17 hanggang 22 taong gulang.




Facebook Comments