Mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Filipino-Chinese na si Anson Que, tukoy na — DOJ

Posibleng ikagulat ng marami ang resulta ng imbestigasyon sa pagdukot at pagpaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que.

Sa ambush interview, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na tukoy na ngayon kung sino ang mastermind sa krimen at ang motibo kung bakit ito ginawa.

Pero maaari aniyang masurpresa ang ilan sa pagkakakilanlan ng nasa likod nito.

Wala namang iba pang detalyeng ibinigay ang Kalihim at maghintay na lamang aniya hanggang matapos ang imbestigasyon.

Noong Lunes, nagtungo sa tanggapan ng DOJ ang mga suspek sa krimen upang sumalang sa preliminary investigation.

Kabilang dito ang dalawang Pinoy na sina Richard Austria at Reymart Catequista na unang naaresto sa Roxas, Palawan at ang isang Chinese national na si David Tan Liao na sumuko naman sa nga awtoridad.

Facebook Comments