Masugid na tagapakinig ng DZXL 558, natanggap na ang napanalunang prepaid home WiFi

22

Natanggap na ni Jayson Carilla ang kaniyang prepaid home WiFi mula sa “WiFi Mo Sagot ng Radyo Trabaho” promo na personal na binigay ng team ng LBMS o Laughter is the Best Magazine Show.

Ang LBMS ay isa sa mga programa ng DZXL 558 na nagbibigay ng good vibes at saya sa mga ka-laughter tuwing Sabado.

Ayon kay Jayson, isa sa mga paborito niya ring pakinggan tuwing umaga ang programang Straight to the Point ni Radyoman Jorge Bandola at Radyoman Willie Delgado Jr.

Si Jayson ay may kapansanan sa mata kaya ang pakikinig ng radyo ang kaniyang libangan.

Nagpapasalamat naman si Carilla dahil sa natanggap niyang libreng prepaid home WiFi dahil malaking tulong ito sa pag-oonline class ng kaniyang mga anak.

Aniya, nang magsimula ang online class ng kaniyang mga anak nitong Lunes ay nagtitiyaga lang sila sa paglo-load araw-araw para sa data.

Samantala, sunod namang pupuntahan ng team si Marieta Ombac ng Commonwealth, Quezon City na makakatanggap din ng prepaid home WiFi.




Sa ngayon, limang winners na ang nakatanggap ng libreng WiFi mula sa week 1, 2 at 3 draw.

Para makasali sa ‘WiFi Mo Sagot ng Radyo Trabaho’ promo, tumutok lang lagi sa mga programa ng DZXL 558 at tumawag sa DZXL hotline 8882 2376.

Maaari ring sumali online kaya i-like at i-follow ang aming Facebook page at sundin ang mga mechanics.

Facebook Comments