
Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may epekto sa pagtaas ng kanyang boto sa katatapos na 2025 midterm elections ang nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pinakahuling bilangan sa pagkasenador, nananatili sa ikatlong pwesto si Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa, ang pag-angat njya sa resulta ng halalan ay may mabigat na kapalit at ito ay ang kalayaan ni Duterte.
Aniya, ang mataas na botong natanggap niya ay boto ng pagprotesta o pagkilos mula sa mga kababayang naagrabyado sa kinahinatnan ni FPRRD.
Nagpasalamat din si Dela Rosa sa mga sumuporta sa kanya ngayong halalan dahil nagbunga rin ang guerilla style na kanyang pangangampanya sa kabila ng hirap makakuha ng suporta at makasabay sa pangangampanya.
Facebook Comments