
Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pinakahuling resulta ng OCTA Research survey patungkol sa kaniyang perfomance ratings.
Sa naturang survey, lumabas na 69% ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa pangulo habang 59% naman ang nasisiyahan sa kaniyang performance.
Ayon kay Pangulong Marcos, patunay lamang ito na nakikita at ramdam ng publiko ang mga ginagawa ng pamahalaan sa loob ng tatlong taon na kaniyang panunungkulan.
Batid daw ng pangulo ang pagnanais ng bawat Pilipino na gumaan ang kanilang buhay kaya naman patuloy aniya siyang magsisikap na magtrabaho pa para gumanda ang buhay ng mga Pilipino.
Facebook Comments