Mataas na ratings ng Pangulo sa Pulse Asia Survey, welcome sa Malacañang

166

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Pulse Asia sa 3rd Quarter ng 2017 na ginawa noong September 24 hanggang 30 na mayroong 1200 respondents kung saan lumabas na 80% ang nakuhang approval at trust ratings ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ang naging sentimyento ng publiko sa kabila ng hakbang ng ilang grupo na sirain ang administrasyong Duterte.

Pero hindi naman pinangalanan ni Abella ang mga pinatutungkulang grupo na sinusubukang pabagsakin ang pamahalaan.

Sinabi nalang ni Abella na magsisilbi itong inspirasyon para sa pamahalaan para pagigihin pa nila ang kanilang pagtatrabaho at mabigyan ng maginhawang pamumuhay ang bawat Pilipino.

Facebook Comments