Mataas na satisfaction rating ng administrasyong Duterte, welcome sa Palasyo

107

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang patuloy na pagbibigay ng mataas na ratings ng publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang buong adminsitrasyon.

Batay kasi sa resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS ay nakakuha ang administrasyong Duterte ng +64% o katumbas ng Very Good Ratings.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapasalamat sila sa patuloy na suporta ng publiko kay Pangulong Duterte at sa kayang pamamalakad sa basna.


Nabatid na batay sa survey ay nakakuha ang administrasyon ng +72 sa Mindanao, 67 naman sa Metro Manila, +63 sa buong Luzon at +56 naman sa Visayas.

Ikinatuwa din naman ng Malacañang ang resulta ng survey ng Publicus Asia na nagsasabi na 90% ng ating mga kababayan ay ikinokonsidera si Pangulong Duterte na pinaka decisive official ng bansa.

Facebook Comments