Mataas na trust at performance ratings ng PNP, magsisilbing inspirasyon sa organisasyon para lalo pang paghusayin ang kanilang serbisyo publiko

Ikinalulugod ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng “tugon ng masa” survey ng OCTA Research Team na nagpapakita ng kanilang mataas na trust at performance ratings.

Sa nasabing survey, walo mula sa 10 Pilipino sa buong bansa ang pinagkakatiwalaan ang PNP habang walo rin mula sa 10 Pilipino ang satisfied sa performance ng PNP.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen. Red Maranan, pinapatunayan lamang ng survey na marami pa ring nagtitiwala at kumpyansa sa PNP.


Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobersiya na kinasasangkutan ng Pambansang Pulisya.

Giit pa ni Maranan, repleksyon ang survey na marami paring kumikilala sa trabaho ng mga pulis kung saan magsisilbi itong motivation at inspiration para paghusayin pang lalo ng PNP ang kanilang serbisyo publiko.

Facebook Comments