Matapos ang 34 years, Ruffa Gutierrez balik-eskwelahan na!

86

“You’re never too old to chase your dreams.”

Ito ang pahayag ng beauty queen-turned-actress na si Ruffa Gutierrez matapos niyang ibalita ang pagbabalik-eskwelahan niya matapos ang 34 na taon.


Sa Instagram post ng aktres, sinabi nito na kasalukuyan siyang naka-enroll sa Philippine Women’s University sa kursong Bachelor of Arts in Communication Arts.

Itinuturing naman itong matagal nang pangarap ng aktres dahil nais niyang maging role model sa dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice.

Nagpaabot naman ng pagbati kay Ruffa ang ilang celebrity kabilang ang magkapatid na Richard at Raymond Gutierrez, Sunshine Cruz at Charlene Gonzales.

Facebook Comments