Matapos ang mahigit isang taon, Janella Salvador back to work na

Makalipas ang halos labing-limang (15) buwan, back to work na ang aktres na si Janella Salvador.

Ito ay matapos isilang ng aktres ang kanilang first baby ng Filipino actor na si Markus Paterson.

Sa Instagram account ni Janella ngayong araw, ibinahagi nito ang glamorosong larawan na nasa loob ng kaniyang workplace.


Inamin naman ni Janella na kailangan pa nila ng panahon ni Markus para tuluyang mag-settle down dahil sa kaniyang trabaho.

Si Janella ay nanganak sa United Kingdom noong September, 2020.

Facebook Comments