Matapos mabigo sa Court of Appeals – VACC, iaakyat sa Korte Suprema ang petisyon sa conversion ng Army and Navy Club Project

62

Manila, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na ipatigil ang pag-convert sa Army Navy Club sa Maynila bilang isang hotel and casino.

Ito ay mas kilala ngayon bilang Rizal Park Hotel at pagmamay-ari ng negosyanteng si Simon Paz.

Ayon sa Appellate Court, hindi nakapagpakita ng matibay na katibayan ang VACC para baligtarin ang nauna nilang resolusyon sa kaso.

Dapat anilang dumulog muna ang VACC sa Regional Trial Court na siyang may hurisdiksyon sa kaso bago dumiretso sa Appellate Court.

Una na ring hiniling ng VACC na ipatigil ang konstruksyon ng Ocean Ville hotel and Spa Corp kung saan nakatayo ang makasaysayang Army Navy Club.

Tumatayong respondents sa kaso ang Philippine Amusement and Gaming Corporation, pamahalaang lungsod ng Manila, National Historical Commission of the Philippines, Ocean Ville Hotel and Spa Corporation at Vanderwood Management Corporation.

Facebook Comments