Matapos makalaya, Sen. Jinggoy Estrada – naniniwalang makakalabas din si dating Sen. Bong Revilla

49

Manila, Philippines – Ngayong pansamantalang nakalaya na, umaasa si dating Sen. Jinggoy Estrada na makakalaya na rin ang kanyang matalik na kaibigan na si dating Sen. Bong Revilla.

Ayon kay Estrada, pinayuhan niya ang kaibigan na maging matatag at palakasin ang kanyang loob.

Aniya, ipagdadasal niya na makakamit na din ni Revilla ang kanyang kalayaan.

Ngayong nakalabas na ng kulungan, aminado si Estrada na mami-miss niya ang kaibigan.

Si Estrada at Revilla ay kapwa akusado sa kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Facebook Comments