Matataas na kalibre ng armas, nakumpiska sa pagsalakay sa bahay ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic na itinuturong financier

Manila, Philippines – Nakumpiska ng joint government forces ang ilang mga kontrabando sa isa pang bahay ni dating Marawi City Mayor Fajad“Pre” Salic sa upper Balulang, Cagayan De Oro City.

Pag-raid ng Armed Forces of the Philippines at pulisya sa bahay ni Salic ay kaugnay pa rin sa “case build-up” ng gobyerno maliban sa kasong rebellion na kinakaharap nito.

Kabilang sa mga narekober ay ang dalawang empty magazine ng caliber 9mm pistol, empty extended magazine ng caliber 9mm pistol, brown leather holster, black pouch, black butt para sa m653, tatlong hand guard sa m4 rifle, pistol case, set firearm cleaning kit, at itim na empty rifle bag.


Si Salic ay unang binanggit sa AFP na isa sa financier ng teroristang Maute, lalo na noong ito ay bago pa lamang na nagsisimula ng kanilang kilusan.

Napag-alaman na sa unang apat na bahay ni Salic na nilusob ng mga otoridad, maraming baril at kontrabando ang nakuha ng mga pulis noong nakaraang linggo.
DZXL558

Facebook Comments