Matataas ng uri ng armas, nakumpiska sa anti-drug operation sa Sulu

99

Manila, Philippines – Samu’t saring matataas na uri ng armas ang nakumpiska ng otoridad sa isinagawang anti-drug operation sa Omar, Sulu.

 

Patay naman sa operasyon ang drug suspect na si Ardin Akar Paling habang sugatan ang kasamahan nitong si Nong Haliludin.

 

Ayon kay C/Supt. Reuben Theodore Sindac ng ARMM police regional office – target ng operasyon ang mga suspek na sina Saudi Kahil Hamja, Adzmar Omar, Juli Sahirol at Ayub Mangcabong na nahaharap sa mga kasong murder, arson at illegal drug trade.

 

Narekober din sa lugar ang ilang sachet ng shabu.



Facebook Comments