Matibay na wiretapping law, isinusulong ng DDB

51

Isinusulong ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang pagkakaroon ng matibay na probisyon para sa wiretapping na isasama sa ipinapanulakang pag-amyenda sa narcotics law.

Ayon kay DDB Chairperson Catalino Cuy – nagsumite na sila sa Kongreso ng proposed amendments sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pero aminado si Cuy na kailangang hintayin ang susunod na Kongreso para matalakay ang proposed amendments.

Iginiit ni CUY na walang silbi ang kasalukuyang batas na nagpapahintulot sa wiretapping, na dapat aprubado ng korte.

Naniniwala ang DDB na kapag nagkaroon ng strong wiretapping law ay makatutulong ito sa paglaban sa ilegal na droga, kriminalidad at terorismo.

Facebook Comments