Matinding banggaan ng Spurs at Rockets sa second round ng NBA semifinals – inaabangan na

26

NBA – Inaabangan na ng NBA fans ang pagsisimula bukas ng banggaan sa kanilang game 1 ng San Antonio Spurs at Houston Rockets sa NBA semifinals.

Kaya naman inaasahan na rin na muling mabubuhay ang matinding rivalry sa pagitan ng dalawang team.

Nabatid na sa apat na beses na paghaharap ng Spurs at Rockets sa NBA season, tatlong laro rito ang naipanalo ng Spurs kung saan mahalagang papel ang ginampanan ni Kawhi Leonard habang si James Harden naman para sa Houston Rockets.

Una rito, tinawag ni Spurs Coach Gregg Popovich ang alaga niyang si Leonard na “the best player” of the league.

Kaya naman bukod sa banggaan ng dalawang team, inaabangan na rin ngayon pa lang ang match-up ng dalawang MVP candidates.

DZXL558

Facebook Comments