MATINDING INIT | Mass screening sa sakit na tuberculosis sa mga preso ng Manila City Jail, sinimulan na

63

Manila, Philippines – Sinimulan na kahapon ang mass screening sa sakit na tuberculosis sa mga preso ng Manila City Jail.

Nais kasi ng Department of Helth (DOH) at Bureau of Jail Mangement and Penology (BJMP) na matukoy sa pamamagitan ng mass screening sa 5,000 bilanggo ng Manila City Jail kung ilang preso ang apektado ng TB.

Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay napaulat ang pagkakasakit ng maraming preso sa Manila City Jail dahil sa umiinit na panahon at siksikan sa bilangguan.

Gumagawa naman ng paraan ang BJMP para maging maayos ang kalagayan ng mga preso lalo na at malapit ng ideklara ang tagtuyot sa Pilipinas.

Facebook Comments