Matteo Guidicelli – getting ready na sa planong pagpo-propose kay Sarah G?!

135

Manila, Philippines – Hanggang ngayon, “hash tag secret” pa rin ang laging sagot ng actor-singer na si Matteo Guidicelli sa tuwing natatanong ito tungkol sa planong pagpo-propose sa kasintahang si Sarah Geronimo.

Sabi ni Matteo, noong 18 years old siya, gusto niya raw talagang makasal sa edad na 27.

Bagama’t tipid sa pagbibigay ng detalye, sinabi ng aktor na gusto niya kasing i-surprise si Sarah sakali mang dumating ‘yung time na magpo-propose na siya rito.

Kasabay nito, inamin rin ni Matteo na may mga ginagawa na siyang paghahanda at hopefully aniya ay matupad niya ito sa tamang panahon.

Una nang kumalat ang balitang “secretly engage” na sina Matteo at Sarah na itinanggi naman ng aktor.

Facebook Comments