Matteo Guidicelli – may pangako sa mga magulang ni Sarah G

61

Anim na araw matapos ianunisyo ni Matteo Guidicelli ang engagement nila ng longtime girlfriend na si Sarah Geronimo, isang madamdaming message ang ibinahagi ngayon ni Matteo sa kanyang Instagram at Facebook accounts.

Sa kanyang post – pinasalamatan ni Matteo sa kanyang mga magulang sa pagtuturo ng halaga ng isang pamilya habang na-pangako naman ang aktor sa mga magulang ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo na bibigyan ng maganda at masayang buhay ang kanilang pinakamamahal na anak.


Ayon kay Matteo – ang pamilya ang kanyang number one priority at excited na siya sa next chapter ng kanyang buhay at iyon ay ang pagbuo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang love of his life, ang fiancée na si Sarah.

Umaasa rin si Matteo na magkasama-sama ang pamilya niya at ni Sarah sa isang hapag-kainan.

Nabatid na halos anim na taon nang magka-relasyon sina Matteo at Sarah.

Wala pa naman anunsyo sa dalawa kung kailan ang petsa ng kanilang kasal.

Facebook Comments

From Advertisers