Matteo Guidicelli, pangarap na makabonding ang pamilya ng asawang si Sarah Geronimo

81

Inamin ng aktor na si Matteo Guidicelli na pangarap nila ng asawang si Sarah Geronimo na maka-bonding ang pamilya nito.

Aniya, gusto nilang dalawa na makasamang uminom at kumain sa isang hapag sila Mommy Divine At Daddy Delfin na magulang ng singer-actress.

Positibo naman si Matteo na pahihilumin din ng panahon ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng pamilya ni Sarah.


Matatandaang naging kontrobersiyal ang private civil wedding nina Sarah at Matteo noong Pebrero 2020 dahil sa umano’y pagsugod ni Mommy Divine sa wedding venue.

Facebook Comments