Maute, talagang naghanda pero hindi naman nagtagumpay sa kanilang plano ayon sa Palasyo.

Manila, Philippines- Tanggap ng Palasyo ng Malacanang na talagang malakas ang puwersa ng Maute Group na sinubukang sakupin ang buong Marawi City para makapagtayo ng ISIS State sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kailangang tanggapin ang realidad na talagang nakapaghand ang Maute sa kanilang ginawang pagatake at hindi din aniya inaasahan ng otoridad ang pagsanib ng ilan pang grupo sa Maite group.

Pero binigyang diin ni Andanar na ang mahalaga ay hindi naipatupad ng Maute ang kanilang plano na magtayo ng Caliphate sa Marawi City dahil sa mabilis na pag-aksyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.


Facebook Comments