Mavericks, tinalo ang Thunder sa kabila ng kawalan ni Luka Doncic

Tinalo ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder sa score na 87-78 sa kabila ng kawalan ng kanilang star guard na si Luka Doncic dahil sa lower back tightness.

Nanguna sa Dallas sina Kristaps Porzingas at Tim Hardaway Jr., na nakagawa ng tig-19 puntos.

Nagdagdag din para sa Dallas si Josh Richardson ng 16 points at si Jalen Brunson ng 11 points.


Sa ngayon, hawak ng Dallas ang win-loss record na 18-16 habang mayroong 14-21 standing ang Thunder.

Facebook Comments