Maxene Magalona, inaming nagpapatingin sa Psychiatrist dahil sa mental health

110

Inamin ng aktres na si Maxene Magalona na humingi na siya ng tulong sa mga Psychiatrist para sa kanyang mental health.


Pero ayon kay Maxene, hindi niya maituturing itong kahihiyan, dahil isa ito sa mga best decision na nagawa niya sa kanyang buhay.

Aminado kasi ang aktres na nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kanyang sarili dahil sanhi ng stress at pagod, hindi na niya malaman kung ano na ang kanyang ginagawa.

Sa huli, pinayuhan ni Maxene ang lahat ng kanyang fans at ang publiko na maging aware sa sarili at huwag mahiyang magpakonsulta dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang buhay.

Facebook Comments